top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted sa Valenzuela timbog sa Capiz

BULGAR
Aug 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 28, 2022


CAPIZ—Isang most wanted sa Valenzuela City ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion Tabuc, Maayon.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Justin Asigan, 26-anyos, at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Valenzuela City.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Asigan sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page