top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted sa Masbate, tiklo sa Batangas

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 9, 2022


BATANGAS—Isang most wanted criminal sa Masbate ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Lipa City.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ricky Canezal, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong qualified rape at 3 counts ng sexual assault sa Masbate.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa kinaroroonan ni Canezal kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dito dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page