top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted sa kasong murder, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 23, 2022


PALAWAN–Isang lalaking wanted sa kasong murder ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City.


Kinilala ng pulisya ang suspek si Rudy Balisacan, 47-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Balisacan kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page