top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Wanted sa Batangas, nasakote sa Camarines Norte

BULGAR
Sep 11, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 11, 2022


CAMARINES NORTE—Isang most wanted na rapist sa Batangas ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Magsaysay, Capalonga.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek na nasa hustong gulang habang iniimbestigahan ito ng pulisya.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Tanauan City, Batangas.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page