top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted sa Albay timbog sa Laguna

BULGAR
Sep 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 4, 2022


LAGUNA—Isang most wanted na rapist sa Albay ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Rizal, Calamba.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek na 48-anyos habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Daraga, Albay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing barangay.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page