Wanted na sabungero, tiklo
@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2023
AKLAN -- Isang wanted na sabungero ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Toledo, Nabas sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong illegal gambling.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay ang wanted na sabungero kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell sa himpilan ng pulisya.



Comments