top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted na rapist tiklo sa hideout

BULGAR
Oct 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 10, 2022


ALBAY—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Arimbay, Legazpi City.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang rapist.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page