top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Wanted na rapist, tiklo sa hideout

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 18, 2021



NUEVA ECJA—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Fernando, Laur.


Ang suspek ay nakilalang si Steven Ruiz, 20-anyos, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Ruiz kaya kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin siya sa nabanggit na barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page