Wanted na rapist sa Capiz, tiklo sa Iloilo
@Balitang Probinsiya | February 09, 2022
ILOILO–Isang most wanted na rapist ng Capiz ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Aranjuez, Balasan.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Larry Domingo, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Capiz.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Domingo kaya rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.



Comments