Wanted na rapist sa Aklan, timbog sa Masbate
@Balitang Probinsiya | September 16, 2022
MASBATE—Isang most wanted na rapist sa Aklan ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Dimasalang.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Danilo Tuling, 33-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Batan, Aklan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments