Wanted na rapist, nasakote
@Balitang Probinsiya | February 25, 2022
AKLAN–Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Libacao.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang rapist.



Comments