top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Wanted na rapist, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 15, 2021



LAGUNA—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Labuin, Sta. Cruz.


Ang suspek kinilala ng pulisya na si Reagan Noble, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan ng Rizal.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Noble kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page