Wanted na rapist, huli sa police station
@Balitang Probinsiya | September 3, 2022
AKLAN—Isang wanted na rapist ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa police station habang kumukuha ng police clearance sa bayan ng Kalibo.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang nagtungo sa police station ang suspek para kumuha ng police clearance.
Nabatid na habang pinoproseso ang police clearance ay lumabas sa data base ng police station na wanted ito sa kasong rape.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments