Wanted na rapist, huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | December 8, 2022
ALBAY—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Panarayon, Bagacay.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa lalawigan.
Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang rapist.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments