Wanted na rapist arestado
@Balitang Probinsiya | June 4, 2022
BATANGAS–Inaresto ng pulisya ang wanted na rapist kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Balagtasin 2nd, San Jose.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rex Robles, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa kinaroroonan ni Robles kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek.
Nakapiit na si Robles sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments