Wanted na rapist, arestado
@Balitang Probinsiya | January 15, 2022
PALAWAN–Isang most wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Casian, Taytay.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Rene Bengona, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Bengona kaya nadakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments