Wanted na pusher, arestado
- BULGAR
- Jan 16, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 16, 2023
PALAWAN—Isang most wanted na drug pusher ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roderick Ebua, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ito sa nasabing barangay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments