Wanted na pusher, arestado
- BULGAR
- Mar 5, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 5, 2022
CAMARINES NORTE–Isang most wanted na drug pusher ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Silangan, San Vicente.
Ang suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa alyas na Mike habang iniimbestigahan ito upang madakip ang drug dealer na nagsu-supply sa suspek ng droga.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang wanted na drug pusher.



Comments