Wanted na manyakis, tiklo sa hideout
- BULGAR
- Aug 19, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 19, 2022
AKLAN—Isang wanted na manyakis ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Caticlan.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbiay-impormasyon sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang pulisya at inaresto ito sa nabanggit na bayan.
Nakapiit na si Acosta sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments