top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted na manyakis nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 10, 2022


ALBAY—Isang wanted na manyakis ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Pawa, Tabaco City.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng pulisya.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness at child abuse sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page