top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Wanted na manyak, timbog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 23, 2023


CAPIZ -- Isang wanted na manyak ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion-Ilaya, Maayon sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jericho Derramas, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad na rumesponde ang mga ito at inaresto ang nasabing manyak.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page