top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Wanted na manyak, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 3, 2023


SARANGANI -- Isang wanted na manyak ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Ladol, Alabel sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip dito ang wanted na manyak.


Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya sa naturang barangay at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page