top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted na magsasaka, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 10, 2022

CAPIZ–Isang wanted na magsasaka ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Cabungahan, Maayon.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Roberto Denosta, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted homicide sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Denosta kaya rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page