Wanted na magsasaka, arestado
@Balitang Probinsiya | August 6, 2023
SORSOGON -- Isang wanted na magsasaka ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Juan, Prieto Diaz sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Modesto Deuna, 48, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga operatiba si Deuna sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness at Child Abuse.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ng magsasaka kaya agad silang rumesponde at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ngayon si Deuna sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments