Wanted na lolo, timbog sa hideout

@Balitang Probinsiya | February 1, 2021
CAPIZ—Isang most wanted na lolo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tina, Dumarao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Federico Silva, Jr., pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Silva kaya kaagad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nabanggit na barangay.



Comments