Wanted na lolo, nasakote
@Balitang Probinsiya | February 21, 2022
NUEVA ECIJA–Isang wanted na 72-anyos na lolo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Vicente, Gapan City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Romulo Garcia, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Garcia kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments