Search
  • BULGAR

Wanted na lolo, nanlaban todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | June 29, 2020



QUEZON—Isang wanted na lolo ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Alitao, Tayabas City.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jose Lubrica, 70-anyos, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na aarestuhin sana ng pulisya si Lubrica sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kaso nitong double murder, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.


Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay si Lubrica.


Nakarekober ang pulisya ng kalibre .45 psitola at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.