Wanted na lolo arestado
@Balitang Probinsiya | August 11, 2022
MASBATE—Isang wanted na lolo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Monreal.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ely Andaya, 60-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted homicide sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Andaya kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments