top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Wanted na lolo, arestado

  • BULGAR
  • Jun 29, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 29, 2022


QUEZON—Isang wanted na lolo ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bantigue, Pagbilao.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Estelito Etcubanas, 71-anyos, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted murder sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng nagpapatrulyang pulisya si Etcubanas sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page