top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Wanted na lolo, arestado

  • BULGAR
  • Jun 10, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 10, 2022


ALBAY–Arestado ang wanted na 64-anyos na lolo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Morera, Guinobatan.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito.


Nabatid na inaresto ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong paglabag sa anti-violence against women and children sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng lolo kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at agad dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page