Wanted na laborer, nasakote sa hideout
@Balitang Probinsiya | August 17, 2022
AKLAN—Isang wanted na laborer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Estancia, Kalibo.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong frustrated murder sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong pinuntahan ng pulisya at dinakip sa nabanggit na barangay.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.



Comments