Wanted na kumuha ng police clearance, huli
@Balitang Probinsiya | August 20, 2022
AKLAN—Isang wanted na laborer na kumukuha ng police clearance ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa loob ng tanggapan ng police station ng Kalibo.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagtungo ang suspek sa police station para kumuha ng police clearance, pero lumabas sa data ng wanted ito sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children", kaya agad itong dinakip ng pulisya.
Nabatid na kaso ng suspek at naganap sa Bulacan at sa Aklan ito nagtago.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments