Wanted na killer, timbog
@Balitang Probinsiya | September 29, 2022
BATANGAS—Isang wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Namunga, Rosario.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Amor Funtanar, 55-anyos at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga operatiba na umuwi sa kanilang bahay si Funtanar kaya agad itong inaresto sa nabanggit na lugar.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at hindi na nanlaban sa mga awtoridad.



Comments