Wanted na killer, timbog
@Balitang Probinsiya | January 17, 2022
CAPIZ--Isang most wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion Norte, Sigma.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Christian Belarmino, 19-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Belarmino kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments