top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Wanted na killer nasakote

BULGAR
Jan 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 9, 2023


PALAWAN—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bunog, Rizal.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roel Monserate, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek dahil sa ginawa nitong pagbabaril at pagpatay sa isang negosyante sa lalawigan.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Monserate, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page