top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Wanted na killer, huli sa hideout

  • BULGAR
  • Jul 29, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 29, 2022

AKLAN—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tinigao, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Tony Cocoy, 49-anyos, tubong Capiz at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa lalawigan.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinatataguan ni Cocoy kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page