Wanted na killer, arestado
- BULGAR
- Jun 20, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 20, 2022
AKLAN--Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tabangka, Numancia.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jomar Palacios, 24-anyos at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Palacios kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments