top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Wanted na killer arestado

  • BULGAR
  • May 25, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 25, 2022


ALBAY – Isang most wanted na killer ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Nabonton, Ligao City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek si Nicanor Buhatin, 36-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Buhatin kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page