Wanted na killer, arestado

@Balitang Probinsiya | February 26, 2021
CAPIZ—Arestado ang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Hipona, Pontevedra.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ruchel Beldia, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Beldia kaya agad rumesponde ang mga operatiba dahilan kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments