Wanted na karnaper, tiklo
- BULGAR
- Oct 1, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 1, 2022
AKLAN—Isang wanted na karnaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Bachao, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sherwin Reyes, nasa hustong gulang at nakatira sa Numancia sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang karnaper.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments