top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted na karnaper nasakote

BULGAR
Jun 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 3, 2022


PALAWAN–Isang lalaking wanted na karnaper ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Apurawan, Aborlan.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Deovinaldo Pitos, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa kinaroroonan ni Pitos kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page