Wanted na karnaper nasakote
@Balitang Probinsiya | May 7, 2022
DAVAO DEL SUR – Isang wanted na karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa habang kumukuha ng police clearance sa Davao City sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, kumuha ng police clearance sa presinto ang suspek at dito nalaman na may warrant of arrest ito sa kasong carnapping.
Dahil dito, agad dinakip ng pulisya ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments