Wanted na kagawad, tiklo
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 8, 2020
NEGROS OCCIDENTAL—Isang wanted na kagawad ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. E. Lopez, Silay City.
Nakilala ang suspek na si Kagawad Remy Belandres, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Belandres sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang mahigit P1 million cash, shotgun, kalibre .45 pistola at mga bala.
Nabatid na si Belandres ay miyembro ng “Otso-Otso Gang” na sangkot sa robbery-holdup, gunrunning at gun-for-hire sa lalawigan.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek.



Comments