Wanted na holdaper, tiklo sa hideout
@Balitang Probinsiya | November 01, 2020
Nueva ecija—Isang wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang bahay sa Bgy. San Isidro, Zaragosa.
Ang suspek ay nakilalang si Ferdinand Medrano, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga awtoridad si Medrano na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong inaresto ng pulisya.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin sa nasabing lugar.



Comments