Wanted na holdaper, tiklo
@Balitang Probinsiya | July 5, 2023
ALBAY -- Isang wanted na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Guinobatan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Rey Penarubia, pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Penarubia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Penarubia kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at naaresto ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang hulihin ng mga awtoridad.



Comments