Wanted na ex-cop nasakote
@Balitang Probinsiya | October 7, 2022
NUEVA ECIJA—Isang wanted na dating pulis ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Isidro, Zaragoza.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si former P/Sgt. Edgar de Guzman, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni De Guzman, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments