top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted na estapador nasakote

BULGAR
May 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 22, 2022


ALBAY– Isang wanted na estapador ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Britano, Legazpi City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang estapador sa naturang barangay.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page