Wanted na bebot timbog
@Balitang Probinsiya | July 25, 2022
CAMARINES SUR—Isang wanted na babaeng drug pusher ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bactas, Basud.
Ang suspek ay itinago muna sa pangalang “Maria”, 26-anyos, habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ni “Maria”, kaya pinuntahan ito ng mga operatiba at dinakip sa kanyang pinagtataguang bahay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments