Wanted na bebot, nasakote
- BULGAR
- Jan 11, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 11, 2022
CAPIZ–Inaresto ng pulisya ang wanted na babae kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion-Ilaya, Cuartero.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rachel Ememterio, 31-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong qualified theft sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ni Ememterio kaya pinuntahan ito ng mga operatiba at dinakip sa kanyang pinagtataguang bahay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments