top of page

Iskul Scoop: Voice out, stand out... Public speaking tips sa mga estudyanteng wa' tiwala sa sarili

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2024
  • 5 min read

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 26, 2024



Iskul Scoop

NARANASAN mo na rin ba na habang nasa harap ka ng madla ay feel mo nanghihina ang iyong tuhod, o ‘di kaya ang mga kamay mo ay parang nagka-cramp sa sobrang kaba? Kung oo ang sagot mo, hindi ka nag-iisa, Iskulmate!


Maraming estudyante ang nakakaramdam ng takot sa public speaking. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa public speaking ay parang pagkakaroon ng superpower, ito ang nagbibigay sa iyo ng boses upang ipahayag ang iyong mga ideya at saloobin. Sa mga pagkakataong ito, kailangan mong maging matatag, confident, at siyempre, entertaining.



Para sa mga students out there, mahalaga ang kakayahang makipag-usap sa harap ng maraming tao, kaya narito ang ilang tips para mas maging confident at engaging ka sa iyong mga susunod na presentation.


  1. KNOW YOUR AUDIENCE. Para sa mga students out there, mahalaga ang kakayahang makipag-usap sa harap ng maraming tao, kaya narito ang ilang tips para mas maging confident at engaging ka sa iyong mga susunod na presentation.

    1. KNOW YOUR AUDIENCE. Bago ka mag-ready, isipin mo kung sino ang makikinig sa iyo. Sila ba ay mga kaklase, guro, o mga magulang? 

    Kung kilala mo ang audience mo, mas madali kang makakapili ng tamang tono at halimbawa na makakapag-enganyo sa kanila. Kung mga kabataan ang kaharap mo, ‘wag kalimutang magdala ng konting humor—kadalasan, ang tawa ay nagiging susi sa puso ng mga nakikinig!

    1. IHANDA ANG IYONG MENSAHE. Hindi mo kailangang maghanda ng napakahabang speech. Ang mahalaga ay malinaw at organisado ang iyong mensahe. Gumawa ng outline upang malaman mo ang daloy ng iyong mga ideda. Magbigay ng mga halimbawa o kuwento na magpapadali sa pag-unawa ng iyong sinasabi. 

    Isipin mo na parang nagkukuwento ka sa mga kaibigan—mas natural at masaya!

    1. PRACTICE, PRACTICE, PRACTICE! Sabi nga nila, “Practice makes perfect!” Subukan mong mag-practice sa harap ng salamin, o mas mabuti, sa harap ng iyong mga kaibigan o pamilya.

    Huwag kalimutang magbigay ng feedback at tumanggap ng suggestions para na rin sa iyo. Isipin mo na bawat practice ay isang rehearsal para sa “Oscar Award” ng public speaking!

    1. GAMITIN ANG IYONG BOSES AT KATAWAN. Iwasan ang monotone na boses, dahil magmumukha ka lang robot, kapag ganu’n! 

    Ibahin ang tono, bilis, at damdamin ng iyong pagsasalita. Gamitin ang iyong mga kamay upang magdagdag ng emphasis sa mga puntos na mahalaga. 

    Ang body language ay malaking bahagi ng public speaking; kaya lumayo sa pagiging stiff at ipakita ang iyong personality!

    1. CONNECT TO YOUR AUDIENCE. Mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa iyong audience. 

    Magtanong, magpatawa, o magbigay ng simpleng interaksyon. Sa ganitong paraan, mararamdaman nilang parte sila ng iyong talumpati. Tandaan, ang eye-to-eye contact ay hindi lamang para sa mga crush—napaka-importante rin ito sa pagpapalalim ng koneksyon!

    1. MAG-RELAX AT MAG-ENJOY. ‘Wag masyadong mag-overthink! Lahat tayo ay nagkakamali, at walang perpektong tao. Kung may nangyaring hindi mo inaasahan, ngumiti at ipagpatuloy ang iyong pagsasalita. 

    Ang pagiging chill at positibo ay nakakabighani at nakakahawa. Makikita ng audience mo na masaya ka sa ginagawa mo!

    Kaya naman, handa ka na bang harapin ang entablado? Kung may natutunan ka man o nadagdag na inspirasyon, huwag kalimutang ilabas ang iyong boses. Isipin mo na lang, bawat pagkakataon na tumayo ka sa harap ng madla ay parang audition para sa isang blockbuster film—nasa iyo ang spotlight!

    Always remember, hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Ang takot at kaba ay normal, kaya i-channel mo ang mga ito bilang motivation. Basta’t kasama ang tamang paghahanda at konting ngiti, siguradong mabibighani mo ang iyong audience! Oki??

    Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 

    So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.


Kung kilala mo ang audience mo, mas madali kang makakapili ng tamang tono at halimbawa na makakapag-enganyo sa kanila. Kung mga kabataan ang kaharap mo, ‘wag kalimutang magdala ng konting humor—kadalasan, ang tawa ay nagiging susi sa puso ng mga nakikinig!

  1. IHANDA ANG IYONG MENSAHE. Hindi mo kailangang maghanda ng napakahabang speech. Ang mahalaga ay malinaw at organisado ang iyong mensahe. Gumawa ng outline upang malaman mo ang daloy ng iyong mga ideda. Magbigay ng mga halimbawa o kuwento na magpapadali sa pag-unawa ng iyong sinasabi. 

Isipin mo na parang nagkukuwento ka sa mga kaibigan—mas natural at masaya!

  1. PRACTICE, PRACTICE, PRACTICE! Sabi nga nila, “Practice makes perfect!” Subukan mong mag-practice sa harap ng salamin, o mas mabuti, sa harap ng iyong mga kaibigan o pamilya.

Huwag kalimutang magbigay ng feedback at tumanggap ng suggestions para na rin sa iyo. Isipin mo na bawat practice ay isang rehearsal para sa “Oscar Award” ng public speaking!

  1. GAMITIN ANG IYONG BOSES AT KATAWAN. Iwasan ang monotone na boses, dahil magmumukha ka lang robot, kapag ganu’n! 

Ibahin ang tono, bilis, at damdamin ng iyong pagsasalita. Gamitin ang iyong mga kamay upang magdagdag ng emphasis sa mga puntos na mahalaga. 

Ang body language ay malaking bahagi ng public speaking; kaya lumayo sa pagiging stiff at ipakita ang iyong personality!

  1. CONNECT TO YOUR AUDIENCE. Mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa iyong audience. 

Magtanong, magpatawa, o magbigay ng simpleng interaksyon. Sa ganitong paraan, mararamdaman nilang parte sila ng iyong talumpati. Tandaan, ang eye-to-eye contact ay hindi lamang para sa mga crush—napaka-importante rin ito sa pagpapalalim ng koneksyon!

  1. MAG-RELAX AT MAG-ENJOY. ‘Wag masyadong mag-overthink! Lahat tayo ay nagkakamali, at walang perpektong tao. Kung may nangyaring hindi mo inaasahan, ngumiti at ipagpatuloy ang iyong pagsasalita. 

Ang pagiging chill at positibo ay nakakabighani at nakakahawa. Makikita ng audience mo na masaya ka sa ginagawa mo!


Kaya naman, handa ka na bang harapin ang entablado? Kung may natutunan ka man o nadagdag na inspirasyon, huwag kalimutang ilabas ang iyong boses. Isipin mo na lang, bawat pagkakataon na tumayo ka sa harap ng madla ay parang audition para sa isang blockbuster film—nasa iyo ang spotlight!


Always remember, hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Ang takot at kaba ay normal, kaya i-channel mo ang mga ito bilang motivation. Basta’t kasama ang tamang paghahanda at konting ngiti, siguradong mabibighani mo ang iyong audience! Oki??

Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates?


Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page